Linggo, Hulyo 30, 2023
Pagtanaw, pananaw
Huwebes, Hulyo 27, 2023
Mapagmahal
Miyerkules, Hulyo 26, 2023
Ilan pang nilay sa Pythagorean theorem
ILAN PANG NILAY SA PYTHAGOREAN THEOREM
Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr.
Nasa hayskul pa lang ay natutunan na natin sa paksang sipnayan o matematika ang Pythagorean theorem. Ito yaong pormula sa sugkisan o geometry na pagkuha ng sukat ng tatlong gilid o side ng isang tatsulok na nasa ninety degrees o right triangle. Sinasabi rito na ang pinagsamang square ng dalawang gilid ay katumbas ng hypotenuse o yaong mahabang gilid na nakahilis. Madalas na sa paksang geometry ito natin napapag-aralan noon. Ang batayang pormula nito ay a2 + b2 = c2. At ipinangalan ang theorem na ito kay Pythagoras, na isang sipnayanon o mathematician noong unang panahon.
Bakit mahalaga sa atin ang Pythagorean theorem at paano ba ito magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay? Halimbawa, nais mong sukatin kung ano ang sukat ng tayog ng puno o kaya’y gusali? Ilang metro ito, nang hindi mo ito sinusukat ng ruler na paisa-isa? Gagamitin mo ang Pythagorean theorem. Ginagamit din ito sa konstruksiyon at arkitektura. Pati sa nabigasyon upang mahanap ang pinakamaikling distansya. Ginagamit din upang suriin ang matarik na mga dalisdis ng mga bundok o burol.
Madalas na halimbawa o basic example nito ang ang32 + 42 = 52. Ibig sabihin ay (3 x 3) + (4 x 4) = (5 x 5), o 9 + 16 = 25. Ang dagsip o digit ng dalawang side ay 3 at 4. Ang hypotenuse naman ay 5.
Sa ilang pagninilay, napuna kong ang 36 + 64 = 100. At lahat sila ay square o pag na-divide ay parehong numero. 6 x 6 = 36; 8 x 8 = 64; at 10 x 10 = 100; o pag sinulat sa ibang paraan ay 62 + 82 = 102. Parang dinoble ang basic na itinuturo sa paaralan: 32 + 42 = 52 na pag tinayms 2 mo ang digit, ang lalabas ay 62 + 82 = 102.
Dito ko na sinuri ang iba pang numero, na pag dinoble o triple, o times 4 o times 5 pa, ang lalabas ay pawang tama ang mga sagot. Kumbaga, may padron o pattern ang mga sukat.
Suriin natin isa-isa, at simulan natin sa mga nauna nating halimbawa.
32 + 42 = 52. (3 x 3) + (4 x 4) = (5 x 5). 9 + 16 = 25
62 + 82 = 102. (6 x 6) + (8 x 8) = (10 x 10). 36 + 64 = 100
92 + 122 = 152. (9 x 9) + (12 x 12) = (15 x 15) = 81 + 144 = 225
122 + 162 = 202. = (12 x 12) + (16 x 16) = (20 x 20) = 144 + 256 = 400
152 + 202 = 252. = (15 x 15) + (20 x 20) = (25 x 25) = 225 + 400 = 625
182 + 242 = 302. = (18 x 18) + (24 x 24) = (30 x 30) = 324 + 576 = 900
212 + 282 = 352. = (21 x 21) + (28 x 28) = 35 x 35) = 441 + 784 = 1,225
242 + 322 = 402. = (24 x 24) + (32 x 32) = (40 x 40) = 576 + 1,024 = 1,600
272 + 362 = 452. = (27 x 27) + (36 x 36) = (45 x 45) = 729 + 1,296 = 2,025
302 + 402 = 502. = (30 x 30) + (40 x 40) = (50 x 50). 900 + 1,600 = 2,500
Sinubukan kong gawan ng tula ang paksang ito.
PYTHAGOREAN THEOREM
tula ni GBJ
theorem ang pamana ni Pythagoras ng Samos
sa atin, na kung talagang aaralin ng taos
sipnayan at sugkisan ay mauunawang lubos
upang sa pagsusukat ng tatsulok ay di kapos
sa right triangle, dalawang gilid at haypotenus
ambag sa pag-unlad upang lipuna'y makaraos
paano ba magagamit ang Pythagorean theorem
na sa kasaysayan ay malaking ambag sa atin
upang tayo'y umunlad, di manatili sa dilim
sa arkitektura nga't konstruksyon ay gamit natin
sa plano, pagtatayo ng gusali'y susukatin
upang maging matatag gamit ang nasabing theorem
O, Pythagoras, maraming salamat sa ambag mo
kaya mga itinayo'y nasusukat ng wasto
matatag, nakipagtagalan sa panahon, husto
gamit ang iyong pormula at batayang prinsipyo
di lang pormula ni Einstein, bantog din ang sa iyo
muli, pagpupugay, idolo ka naming totoo
* Talasalitaan:
sipnayan = matematika
sugkisan = geometry
dagsip = digit
dalisdis = slope
* litrato mula sa google
Martes, Hulyo 25, 2023
Paumanhin kung tula'y nakabartolina
Apyak pala ang pula ng itlog
Sa kubo
Mabuhay ang mga vendor!
Basta Bruce Lee
Linggo, Hulyo 23, 2023
Nakatunganga sa kawalan
Biyernes, Hulyo 21, 2023
Panlapi't salitang ugat
Huwebes, Hulyo 20, 2023
Sa ika-50 anibersaryo ng pagkamatay ni Bruce Lee
Miyerkules, Hulyo 19, 2023
Di ako umaasa
Lunes, Hulyo 17, 2023
Pagkasaid
Linggo, Hulyo 16, 2023
Bawat tula ko'y piraso ng aking buto
Pag-amin
Ang sosyalismo ay dagat
Sabado, Hulyo 15, 2023
Payak na pamumuhay
Linggo, Hulyo 9, 2023
Nais kong itanim ang tula
Miyerkules, Hulyo 5, 2023
Sipnayan
Pagtula
Sabado, Hulyo 1, 2023
Salamisim
Nilay sa unang araw ng Hulyo
Dagdag dugo muli
DAGDAG DUGO MULI mababa na naman ang kanyang hemoglobin di pa abot ng otso, nasa syete pa rin dapat ay dose, ang normal na hemoglobin kaya...
-
SA LILIM NG PUNO kaysarap magsulat sa lilim ng puno ng duhat lalo't dinibdib ang kwento't paksang nadadalumat tilad-tilarin ang usap...
-
NAKAPIKIT "Paano ka ba matulog?" tanong sa akin minsan "Nakapikit." ang payak kong tugon sa katanungan wala lang, iyo...
-
TARANG MAGTSAA tarang magtsaa ng malunggay habang naritong nagninilay pampalusog at pampatibay nitong katawan at ng hanay minsan kailangan ...