PAG AKO'Y NAKATUNGANGA, AKO'Y NAGTATRABAHO
pag ako'y nakatunganga, ako'y nagtatrabaho
pag nakatitig sa kisame, nagninilay ako
pag nakatingin sa kawalan, kayraming usyoso
at maya-maya lang ay isusulat ko na ito
kinikiskis ko ang utak sa loob ng kisame
naroon sa laot habang nakatitig sa balde
pinipitas ang agiw habang naroon sa katre
nakatitig sa kalangitang akala mo'y kapre
nagtatrabaho ako pag ako'y nakatunganga
sinisipat sa isip ang nangyayari sa madla
habang makina'y pinatatakbo ng manggagawa
habang inaararo naman ang binagyong lupa
sapagkat ako'y isang mangangatha, manunulat
itinititik sa papel, sa diwa sinisipat
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Panawagan nila'y parusahan na ang mga kurakot!
PANAWAGAN NILA'Y PARUSAHAN NA ANG MGA KURAKOT! kinunan ko ng litrato nang makita ang panawagan na "Parusahan ang mga magnanakaw sa...
-
SA ANIBERSARYO NG KASAL AT NG KATIPUNAN Hulyo Pito, anim na taon nang nakararaan nang ikatlong kasal nami'y ganapin sa simbahan doon sa ...
-
ang kahirapan ay di kawalan ng pagkatao lider-maralita'y marangal at Katipunero mabubusog ka nga sa karanasan nila't kwento n...
-
THE ARTISTRY AND ACTIVISM IN ME when painter Marcel Duchamp died that was the day I was born when massacre of students in Tlatelolco, Me...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento