LAMPARAW
kung walang kuryente'y gamitin natin ang lamparaw
o solar lamp sa Ingles, lamparang gamit ay araw
dapat paghandaan anumang sakunang dumalaw
harapin natin kahit ang nagbabagong pananaw
sa Asya, pangalawa tayong mahal ang kuryente
mabuting magpalit na't mag-renewable energy
alagaan ang kalikasan, sa bayan magsilbi
murang kuryente na ang hangad ng nakararami
isa lang itong lamparaw sa ating magagamit
na malaking maitutulong sa panahong gipit
may ilawan ka na sa gabing madilim ang langit
saanman magpunta'y madali mo itong mabitbit
magkaroon ng lamparaw ay ating pag-ipunan
nang sa oras ng kagipitan ay may kahandaan
- gregbituinjr.
Lunes, Agosto 12, 2019
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Dante at Emong
DANTE AT EMONG kapwa malakas daw sina Emong at Dante tulad ba ng boksing nina Baste at Torre aba'y katatapos lang ng Pacquiao at Barrios...

-
PAGPUPUGAY SA PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KATUTUBO (International Day of the World's Indigenous Peoples) katutubo'y kilanl...
-
ANG SINING NG DIGMA may aklat akong Art of War ni Sun Tzu pati Book of Five Rings ni Miyamoto Musashi, ang On War in Karl Von Clauswit...
-
SA BANTAYOG doon sa Bantayog ay nagtungo kami ni misis sa sinasabing Independence Day ng bayang amis doon kami nagdeyt, animo'y asukal s...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento