SONETO SA PAYONG
ayokong bumili ng payong, laging nawawala
pagkat nang pinatutuyo ko lalo't ito'y basa
sa daming iniisip, pag umalis naiiwan
matatandaan ko na lamang pag biglang umulan
kaya maigi pang mag-dyaket na lang at sumbrero
pagkat mabasa man, nailalagay ko sa bag ko
kaysa payong pag nabasa, iyong patutuyuin
at sa pag-alis, maiiwan ng malilimutin
pag kailangan ng iba, sila'y may magagamit
madalas di na naibabalik, aba'y kaysakit
ilang beses na bang nakawala ako ng payong
ilang beses na bang sa ulan ako'y sumusuong
kaya maiging mag-dyaket at sumbrero na lang
kaysa magpayong at mawalan, aba ito'y sayang
- gregbituinjr.
Huwebes, Agosto 1, 2019
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa taho
SA TAHO mayroong istiker sa lalagyan ng taho: sabi: "Lahat ng kurakot dapat managot!" siyang tunay, korapsyon sana nga'y magl...

-
SA ANIBERSARYO NG KASAL AT NG KATIPUNAN Hulyo Pito, anim na taon nang nakararaan nang ikatlong kasal nami'y ganapin sa simbahan doon sa ...
-
ang kahirapan ay di kawalan ng pagkatao lider-maralita'y marangal at Katipunero mabubusog ka nga sa karanasan nila't kwento n...
-
ANG SINING NG DIGMA may aklat akong Art of War ni Sun Tzu pati Book of Five Rings ni Miyamoto Musashi, ang On War in Karl Von Clauswit...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento