aktibistang Spartan ay maginoo't magalang
mahinahon, nirerespeto ang kababaihan
nilalabanan ang maling sistema't pusong halang
nag-aral, sinanay upang baguhin ang lipunan
batid ang Kartilya ng Katipunan at Bushido
inaral din ang Materyalismo't Diyakeltiko
ipinaglalaban ang kapakanan ng obrero
at itinataguyod ang sistemang sosyalismo
magalang na pananalita ang namumutawi
nagpapakatao't nakikipagkapwa rin lagi
sa katiwalian ay kayang magsabi ng "Hindi!"
matikas, taas-noo, kahit dama'y pagkasawi
mandirigma kaming ipinagtatanggol ang masa
laban sa anumang hirap at pagsasamantala
aktibistang Spartan kaming tuloy sa pagbaka
upang baguhin na ang inuuod na sistema
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ang misyon
ANG MISYON mabigat ang misyon ng mga tibak na Spartan buhay na'y inalay upang baguhin ang lipunan nang kamtin ng bayan ang asam na kagin...

-
PAGPUPUGAY SA PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KATUTUBO (International Day of the World's Indigenous Peoples) katutubo'y kilanl...
-
ANG SINING NG DIGMA may aklat akong Art of War ni Sun Tzu pati Book of Five Rings ni Miyamoto Musashi, ang On War in Karl Von Clauswit...
-
di dapat mauwi sa wala ang pakikibaka ito'y sumagi sa isip nang aking binabasa yaong mga tala ng himagsikan at ideya ng Katipunan tungo ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento