may tatlong B na kandidato sa pagkasenador
ang nanalo't sa senado ngayon ay nagmomotor
parang eksena sa pelikula, may aksyon, horror
na animo'y sa maraming taliwas pumapabor
sila ba ang tatlong B na kapara'y tatlong bibi
na sa mga maling polisiya nabibighani
na sa isyung karapatang pantao'y nabibingi
na sa usaping hustisya sa masa'y napipipi
ayos lang sa kanila ang magkaroon ng tokhang
na parang manok ang buhay, binabaril ng halang
walang proseso, walang paglilitis, pumapaslang
sa nagkalat ngang bangkay ay mapapatiimbagang
sa tatlong senador B, ito pa ba'y balewala
mga namatayang ina'y patuloy sa pagluha
sina Bunggo, Bato't Bodots ba'y anong ginagawa
upang krimeng pagtotokhang ay tuluyang mawala
- gregbituinjr.
Linggo, Setyembre 15, 2019
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Bidyo ng pagbigkas ng tula sa People Power Monument
BIDYO NG PAGBIGKAS NG TULA SA PEOPLE POWER MONUMENT Ikalima ng hapon, sa harap ng People Power Monument, kasabay ng pagkilos ng mamamayan sa...

-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
PAGPUPUGAY SA PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KATUTUBO (International Day of the World's Indigenous Peoples) katutubo'y kilanl...
-
NAKAPIKIT "Paano ka ba matulog?" tanong sa akin minsan "Nakapikit." ang payak kong tugon sa katanungan wala lang, iyo...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento