minsan, maiinis ka talaga sa sarili mo
na maiisip mong sapakin ang panga mo't ulo
bakasakaling magtanda ka sa ginagawa mo
at mapanuto ang sarili sa tama o wasto
subalit bakit sasaktan ang sariling kalamnan
masokista ka ba't sinasaktan ang katauhan
maiinis ka minsan sa iyong kapaligiran
kaya nais mong magwala o mawalang tuluyan
kinakailangan ding habaan itong pasensya
upang makapag-isip ng wasto't anong taktika
upang malutas ng mahinahon iyang problema
upang magawang paraang baguhin ang sistema
talagang minsan, ang sarili mo'y nakakainis
ngunit isipin mo ring problema mo'y mapapalis
kailangan ng kaunting tiyaga't pagtitiis
malulutas din ang problemang sa iyo'y tumiris
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Paglalakad
PAGLALAKAD madalas maglakad ang abang makata upang saliksikin ang mata ng sigwa tanong ay bakit ba laging binabaha di ang mayayaman, kundi...
-
THE ARTISTRY AND ACTIVISM IN ME when painter Marcel Duchamp died that was the day I was born when massacre of students in Tlatelolco, Me...
-
I WAS BORN A RED OCTOBER I was born on the second of October like Mahatma Gandhi, actor Benjie Paras classmate Angelo Arvisu, singer Sting c...
-
KUMAIN KAMING MULI SA BANGKETA sa bandang hiway, may gulong na karinderya at naglagay ng mesa't silya sa bangketa umorder kami ni misis ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento