payapa kong ninanamnam ang sakit ng kalamnan
matindi man ang kirot ng sikmura ko't likuran
sinanay magtiis bilang aktibistang Spartan
kaya anumang sakit ay binabalewala lang
kahit kailangang magsabi ng aray, ayoko
isa akong tibak na di dapat iskandaloso
di sisigaw kahit mahapding mahapdi na ito
kakayanin anumang sakit, mamatay man ako
kahit tortyurin ako'y di susuko sa kaaway
aksidente man ang mangyari'y di pa rin aaray
lalaki'y di iyakin, lumaking ito ang gabay
maghihilom din naman anumang sakit na taglay
anumang nangyari, sarili'y ayokong sisihin
sinanay kaming kahit masaktan ay matiisin
kung sakaling masugatan, sarili'y gagamutin
pagkat anumang pagsubok ay malalagpasan din
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Katha lang ng katha
KATHA LANG NG KATHA katha lang ng katha ang abang makata anuman ang paksa kanyang itutula sulat lang ng sulat ang makatang mulat anuman ang ...
-
PAGPUPUGAY SA PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KATUTUBO (International Day of the World's Indigenous Peoples) katutubo'y kilanl...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
NAKAPIKIT "Paano ka ba matulog?" tanong sa akin minsan "Nakapikit." ang payak kong tugon sa katanungan wala lang, iyo...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento