lagi na lang akong nakatingala sa kisame
tila binabasa roon ang anumang mensahe
tila pinanood din ang samutsaring insidente
upang makatha ko ang iba't ibang anyo't siste
ang kisame'y binubuo ng may pinturang tabla
may ilaw sa gabi, patay ang ilaw sa umaga
gumagapang na butiki'y tila ba nagtataka
baka umano siya'y aking pinanonood na
minsan, minsan lang naman, sa kisame'y may hiwaga
maraming mangangathang sa kanya'y nakatingala
naghahanap ba sila ng anumang himala
o naghahagilap ng kataka-takang kataga
dapat kathain ang maitutulong sa lipunan
upang mapaginhawa ang buhay ng mamamayan
pagtingala sa kisame'y isang palatandaan
ng palaisip, ng kaisipan, ng kabaliwan
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ang mabuting kapitbahay
ANG MABUTING KAPITBAHAY ang mabuting kabitbahay ba'y tulad ng isang mabuting Samaritano? matulungin sa kapwa't komunidad? at tunay s...

-
PAGPUPUGAY SA PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KATUTUBO (International Day of the World's Indigenous Peoples) katutubo'y kilanl...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
ANG SINING NG DIGMA may aklat akong Art of War ni Sun Tzu pati Book of Five Rings ni Miyamoto Musashi, ang On War in Karl Von Clauswit...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento