parang tinatakpan ng kung sino ang aking mukha
tila siya'y nakangiti upang di mahalata
nagbabalik ba ang tortyurer sa aking gunita
dibdib na'y nagsisikip, di makahinga, tulala
ito ba'y palatandaan ng anumang parating
kaya di ko na magawa ang maghanda ng piging
baka dapat paghandaan ang parating na libing
ng kung sinong di ko alam ngunit siya'y magaling
isa ba akong makata, tanong ni Kamatayan
habang maso'y aking hawak, karit ang kanyang tangan
naghahanda ba kami sa matinding sagupaan
sinong magtatagumpay sa parating na labanan
tutunggaliin natin anumang pambubusabos
upang karapatang pantao'y di basta mabastos
dapat nating paghandaan ang parating na unos
at baka makaligtas sa kanilang pang-uulos
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Maglulupa
MAGLULUPA isa lamang akong abang maglulupa sa pakikibaka'y laging nakahanda walang pamasahe? lalakaring sadya! upang makausap ang kapwa ...
-
THE ARTISTRY AND ACTIVISM IN ME when painter Marcel Duchamp died that was the day I was born when massacre of students in Tlatelolco, Me...
-
I WAS BORN A RED OCTOBER I was born on the second of October like Mahatma Gandhi, actor Benjie Paras classmate Angelo Arvisu, singer Sting c...
-
KUMAIN KAMING MULI SA BANGKETA sa bandang hiway, may gulong na karinderya at naglagay ng mesa't silya sa bangketa umorder kami ni misis ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento