Ngayong Undas, alalahanin ang mga pinaslang
lalo ang mga inosenteng pinatay ng halang
kayraming biktimang itinumba sa murang gulang
hustisya ang hiyaw ng kamag-anak at magulang
bakit sila pinaslang nang wala man lang proseso
wala man lang paglilitis kung may sala nga ito
ganyan ba magpahalaga ang gobyerno sa tao
pinairal nila'y mga polisiyang barbaro
may tinatawag tayong restoratibong hustisya
o restorative justice, may pagbabago pa sila
kung may sala, ikulong at bunuin ang sentensya
kung walang sala, huwag paslangin, mag-imbestiga
di wasto ang pamamaslang, ikulong pag maysala
huwag maging berdugo lalo sa harap ng dukha
huwag sumunod sa utos ng buwang na kuhila
huwag malasing sa dugo't pawis ng iyong kapwa
sana'y igalang na ang proseso't maging parehas
sana'y maging patas sila sa ilalim ng batas
ngayong Undas, gunitain ang buhay na nalagas
at magtirik ng kandila sa puntod ng inutas
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Yaman ng taas, galing lahat sa ibaba!
YAMAN NG TAAS, GALING LAHAT SA IBABA! pinanood ko ang kanilang pagtatanghal at napukaw ako sa kanilang liriko: "Yaman ng taas, galing l...
-
THE ARTISTRY AND ACTIVISM IN ME when painter Marcel Duchamp died that was the day I was born when massacre of students in Tlatelolco, Me...
-
I WAS BORN A RED OCTOBER I was born on the second of October like Mahatma Gandhi, actor Benjie Paras classmate Angelo Arvisu, singer Sting c...
-
ang kahirapan ay di kawalan ng pagkatao lider-maralita'y marangal at Katipunero mabubusog ka nga sa karanasan nila't kwento n...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento