ANG TARIYA
aba'y ano ang tariya sa ating pulong ngayon?
tinatanong ng kasama ang adyenda ng pulong
may salita naman palang katumbas ang "adyenda"
na mula sa salitang Waray, ito'y ang "tariya"
halina't gamitin ang sariling salita natin
itong wikang Filipino'y atin pang pagyabungin
tara, gamitin ang tariya sa organisasyon
upang maayos nating matupad ang nilalayon
"The agenda of our meeting today is..." ang bilin
"Ang tariya ng ating pulong ngayon ay..." ang salin
kailangan ang tariya sa bawat nating pulong
upang magawa ang plano't matiyak ang pagsulong
- gregbituinjr.
* TARIYA - pagtatakda ng gawain (Waray), - sa wikang Ingles ay AGENDA,
- mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1232
Huwebes, Disyembre 26, 2019
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pagninilay
PAGNINILAY di ko hilig iyang makipagdigmaan maliban kung sa chess makipagtagisan ng estratehiya at mga taktika at di sa giyerang kayr...
-
THE ARTISTRY AND ACTIVISM IN ME when painter Marcel Duchamp died that was the day I was born when massacre of students in Tlatelolco, Me...
-
I WAS BORN A RED OCTOBER I was born on the second of October like Mahatma Gandhi, actor Benjie Paras classmate Angelo Arvisu, singer Sting c...
-
KUMAIN KAMING MULI SA BANGKETA sa bandang hiway, may gulong na karinderya at naglagay ng mesa't silya sa bangketa umorder kami ni misis ...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento