nais kong mamangka
sa mahabang ilog
itatanghal ang diwa
hanggang sa tugatog
alagaan natin
ang kapaligiran
ating aayusin
pag kinailangan
sa bangin ng buhay
gawin ang mabuti
minsan ay magnilay
sa dilim ng gabi
bayan ay iligtas
sa mga kurakot
lalo na't dumanas
ng mga hilakbot
umasang liwanag
ay mahalukipkip
lalo na't magdamag
tayong nanaginip
magkapitbisig na
ang mga obrero
at gawing maganda
ang bayan at mundo
mahaling mabuti
kung ina'y kapiling
huwag magsisisi
kung gawa'y magaling
- gregbituinjr.
* unang nalathala sa munting pahayagang Diwang Lunti, isyu ng Disyembre 2019, pahina 20
Martes, Disyembre 24, 2019
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
P5 dagdag pasahe sa dyip, grabe
P5 DAGDAG PASAHE SA DYIP, GRABE tataas ang pamasahe di tumataas ang sahod makikinabang ang tsuper dagdag-hirap sa komyuter ang limang piso...

-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
PAGPUPUGAY SA PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KATUTUBO (International Day of the World's Indigenous Peoples) katutubo'y kilanl...
-
NAKAPIKIT "Paano ka ba matulog?" tanong sa akin minsan "Nakapikit." ang payak kong tugon sa katanungan wala lang, iyo...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento