aking iaalay ang buhay ko't dugo
para sa bayan ko nang ito'y mahango
sa sanlaksang hirap at mga siphayo
sa danas na dusa't pangakong pinako
ito'y panata kong marapat na tupdin
ang gawa'y marangal, magandang layunin
pinsipyong niyakap, mga simulain
kikilos, gagawin itong adhikain
tara, makiisa sa pakikibaka
at organisahin ang obrero't masa
babaguhin itong bulok na sistema
at tahakin natin ang bagong umaga
ang ugat ng hirap ay dapat malupig
dahilan ng dusa'y dapat ding mausig
halina't sumama kung iyong narinig
ang mga hinaing ng dalitang tinig
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ano ba ang MU?
ANO BA ANG M.U.? Ano ba ang MU? Malagong Ubasan? Masarap Upakan? Mandigma't Ubusan? Magandang Ulitin? Mabisang Ulatan? Makislap an...
-
THE ARTISTRY AND ACTIVISM IN ME when painter Marcel Duchamp died that was the day I was born when massacre of students in Tlatelolco, Me...
-
I WAS BORN A RED OCTOBER I was born on the second of October like Mahatma Gandhi, actor Benjie Paras classmate Angelo Arvisu, singer Sting c...
-
KUMAIN KAMING MULI SA BANGKETA sa bandang hiway, may gulong na karinderya at naglagay ng mesa't silya sa bangketa umorder kami ni misis ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento