sayang lamang ang buhay ko sa tahimik na buhay
na sa nangyayari sa baya'y tila walang malay
ayaw nang makialam gayong nakibakang tunay
kasama'y mga manggagawa't maralitang hanay
anong nangyari't nagbago, dahil ba nag-asawa?
prinsipyo't niyakap na layon na ba'y isusuka?
iisipin na lang sa buong buhay ay pamilya?
at iiwanan na lang ang pagiging aktibista?
hindi, ayaw kong maghintay na lang ng kamatayan!
ayokong maburo sa bahay at isang luhaan!
kasama pa rin ako sa pagbaka sa lansangan!
at tupding maitayo ang pangarap na lipunan!
oo, sayang ang buhay ko sa buhay na payapa
habang tunggalian ng uri'y nariyan sa lupa
nagpapasasa ang ilan habang bilyon ang dukha
ganyang kalagayan ba'y iyo pang masisikmura?
pinag-aralan ang lipunan, sinuri ang mundo
patuloy pang nananalasa ang kapitalismo
ako'y aktibistang kakampi ng uring obrero
di ako tutunganga lang sa nangyayaring ito!
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Yaman ng taas, galing lahat sa ibaba!
YAMAN NG TAAS, GALING LAHAT SA IBABA! pinanood ko ang kanilang pagtatanghal at napukaw ako sa kanilang liriko: "Yaman ng taas, galing l...
-
THE ARTISTRY AND ACTIVISM IN ME when painter Marcel Duchamp died that was the day I was born when massacre of students in Tlatelolco, Me...
-
I WAS BORN A RED OCTOBER I was born on the second of October like Mahatma Gandhi, actor Benjie Paras classmate Angelo Arvisu, singer Sting c...
-
ang kahirapan ay di kawalan ng pagkatao lider-maralita'y marangal at Katipunero mabubusog ka nga sa karanasan nila't kwento n...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento