Di tayo tulad ng iba riyang pumapayipoy
di tayo tulad ng iba riyang pumapayipoy
dahil tao'y may dignidad, kahit na nagngunguyngoy
di paaapi o pasisindak kahit palaboy
ang tao'y may dangal, kahit sanggol pang inuugoy
di tayo mga asong nangingilala kung sino
na pag sinabihang mangagat, mangangagat ito
tayo'y taong may isip, may dangal, alam ang wasto
di tayo asong bahag ang buntot sa trapo't gago
hayaan ang mga asong sa amo nila'y tapat
na kung nais kang ipakagat, ito'y mangangagat
tayo'y taong alam ang tama, may isip na mulat
batid ano ang hustisya't karapatan ng lahat.
- gregbituinjr.
04.20.2020
* payipoy - paggalaw ng buntot, gaya ng sa aso, mula sa Diksyunaryong Filipino-Filipino, na inedit ni Ofelia E. Concepcion, pahina 152
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tampipì
TAMPIPÌ sa krosword ko lang muling nakita ang salitang kaytagal nawalâ sa aking isip ngunit kayganda upang maisama sa pagtulâ labimpito paha...
-
PAGPUPUGAY SA PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KATUTUBO (International Day of the World's Indigenous Peoples) katutubo'y kilanl...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
NAKAPIKIT "Paano ka ba matulog?" tanong sa akin minsan "Nakapikit." ang payak kong tugon sa katanungan wala lang, iyo...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento