tinititigan kong naglalaro ang mga manok
animo'y nagbibiruan silang di mo maarok
pinagmamasdan silang ang dama ko'y pagkalugmok
tila ba bawat kalamnan ko'y nais magsiputok
kailan ba matatapos ang kwarantinang ito
nang makahanap ng gawaing kumikita ako
mahirap ang walang kita sa sitwasyong ganito
pakiramdam ko sa sarili, ako na'y perwisyo
isa lang akong pabigat sa pamilya ng byenan
walang maiambag upang magkalaman ang tiyan
lagi'y lampaso, linis, laba, maghugas ng pinggan
paikot-ikot na lang, wala nang ambag sa bayan
sana'y matapos na ang lockdown na di na mabata
nais kong muling magboluntaryo't bagong simula
muling gagampanan ang tungkuling mapagpalaya
at muling makibaka laban sa mga kuhila
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tampipì
TAMPIPÌ sa krosword ko lang muling nakita ang salitang kaytagal nawalâ sa aking isip ngunit kayganda upang maisama sa pagtulâ labimpito paha...
-
PAGPUPUGAY SA PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KATUTUBO (International Day of the World's Indigenous Peoples) katutubo'y kilanl...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
NAKAPIKIT "Paano ka ba matulog?" tanong sa akin minsan "Nakapikit." ang payak kong tugon sa katanungan wala lang, iyo...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento