Tigilan daw ang pagbatikos, sumunod ka na lang
tigilan daw ang pagbatikos, sumunod ka na lang
ang sabi ng nakapaligid sa pangulong halang
kung gayon nga, karapatan na'y anong pakinabang?
magpahayag ay karapatan, ano sila, hibang?
may karapatan kang magsalita, aawatin ka
bakit namayagpag na ang mga utak-pasista
dahil ba hazing ang natutunan sa akademya
dahil maralita lang tayo'y minamata-mata
tingin sa tao'y robot na dapat disiplinahin
kasi raw ayaw makinig gayong nagugutom din
ayaw mapiit sa bahay, hahanap ng pagkain
kung kinakailangan, sabihin yaong hinaing
ang bawat hinaing ba'y isa nang pambabatikos
ganyan ba ang utak nila't isip na'y naluluslos
sumunod ka lang, kahit pamilya'y gutom at kapos
pag nagutom ang dukha, kanila bang inaayos
sumunod ka na lang, turing nila sa masa'y robot
ganito disiplinahin ang masa, tinatakot
paano ba aayusin ang utak na baluktot
di basta manakot sa sitwasyong masalimuot
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pagngiti
PAGNGITI palaging ngumiti, ang payo sa cryptogram na isang palaisipan sa pahayagan dahil bĂșhay daw ay isang magandang bagay at kayraming dap...
-
SA LILIM NG PUNO kaysarap magsulat sa lilim ng puno ng duhat lalo't dinibdib ang kwento't paksang nadadalumat tilad-tilarin ang usap...
-
NAKAPIKIT "Paano ka ba matulog?" tanong sa akin minsan "Nakapikit." ang payak kong tugon sa katanungan wala lang, iyo...
-
TARANG MAGTSAA tarang magtsaa ng malunggay habang naritong nagninilay pampalusog at pampatibay nitong katawan at ng hanay minsan kailangan ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento