Wastong gamit ng si, sina, sila at kina
sina Pedro, imbes na sila Pedro, ang gamitin
kina Ben, imbes na kila Ben, ang wastong sulatin
ang balarila'y unawain at aralin natin
wastong gamit ng mga salita'y ating linangin
ang pangmaramihan ng si ay sina, at di sila
dahil karugtong ng si ay pangalan, si at sina
ang sila ay panghalip, saan ba sila nagpunta
nagtungo sila kay Petra, nagpunta kina Petra
kina dahil marami ang naroon sa tahanan
nina Petra, kay Petra kung isa lang pinuntahan
direkta ang kay at ang kina ay pangmaramihan
at di rin kila kundi kina ang wastong paraan
payak kung uunawain ang balarilang ito
na kung aaralin, makakapagsulat ng wasto
lalo kung nagsusulat ka sa dyaryo o ng libro
aba'y magsulat ka na ng wasto, aming katoto
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sarado na ang Fiesta Carnival
SARADO NA ANG FIESTA CARNIVAL Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nitong Pebrero ko lang napansin na sarado ang Fiesta Carni...
-
THE ARTISTRY AND ACTIVISM IN ME when painter Marcel Duchamp died that was the day I was born when massacre of students in Tlatelolco, Me...
-
I WAS BORN A RED OCTOBER I was born on the second of October like Mahatma Gandhi, actor Benjie Paras classmate Angelo Arvisu, singer Sting c...
-
SA ANIBERSARYO NG KASAL AT NG KATIPUNAN Hulyo Pito, anim na taon nang nakararaan nang ikatlong kasal nami'y ganapin sa simbahan doon sa ...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento