pag may sampung piso sa bulsa
bibilhin ko ba'y ensaymada?
o isang kanin sa kantina?
ito kaya'y mapapagkasya?
dalawang dekada'y nagdaan
na ganito ang karanasan
lalo't pitaka'y walang laman
natutuliro ang isipan
isang pultaym na walang-wala
kumilos para sa adhika
pagkat ang masa'y lumuluha
kailanga'y bagong simula
ganito ang yakap kong buhay
na buong pusong inaalay
ngunit dapat pa ring magsikhay
para sa marangal na pakay
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Barya lang po sa umaga
BARYA LANG PO SA UMAGA bilin doon: barya lang po sa umaga habang aking tinatanaw ang pag-asa na darating din ang asam na hustisya lalo'...
-
SA LILIM NG PUNO kaysarap magsulat sa lilim ng puno ng duhat lalo't dinibdib ang kwento't paksang nadadalumat tilad-tilarin ang usap...
-
NAKAPIKIT "Paano ka ba matulog?" tanong sa akin minsan "Nakapikit." ang payak kong tugon sa katanungan wala lang, iyo...
-
TARANG MAGTSAA tarang magtsaa ng malunggay habang naritong nagninilay pampalusog at pampatibay nitong katawan at ng hanay minsan kailangan ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento