Sabado, Mayo 23, 2020

Saliksikin mo't basahin din ang buong Kartilya

saliksikin mo't basahin din ang buong Kartilya
namnamin bawat pangungusap habang binabasa
matatanto mong nilalaman nito'y anong ganda
kagandahang loob, laban sa pagsasamantala

inakda ito ng bayaning Emilio Jacinto
habang nasa patnubay ni Gat Andres Bonifacio
"sa may nasang makisanib sa Katipunang ito"
na siyang naging gabay ng bawat Katipunero

kahit nagsisimula ka pa lamang maging tibak
pag batid mo ito'y di ka basta mapapahamak
magulang mo man sa bagong asal mo'y magagalak
pagkat Kartilya'y pagtutuwid sa maraming lubak

Kartilya ng Katipunan ay isabuhay natin
makipagkapwa't kagandahang loob ay taglayin
ibahagi rin natin sa iba't palaganapin
at gabay din upang sistemang bulok ay baguhin

- gregbituinjr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tampipì

TAMPIPÌ sa krosword ko lang muling nakita ang salitang kaytagal nawalâ sa aking isip ngunit kayganda upang maisama sa pagtulâ labimpito paha...