kung may asukal pangkape, ilagay nang sumarap
kung walang asukal, di na ako naghahagilap
ayos na ang kape, di man matamis pag nalasap
kaysa bibili ng asukal, panggastos pa'y hanap
masarap din ang walang asukal, lalo't barako
na inumin ng tulad kong barakong may prinsipyo
para sa masa't mga kapatid nating obrero
masarap, malasa, magigising ang katawan mo
halina't uminom ng kapeng barako, kasama
habang nagninilay at kumakatha rin tuwina
ng alay na tula sa manggagawa't magsasaka
habang sinusulat din ang ginawa sa umaga
tumitigas ang itlog sa tubig na pinainit
lumalambot naman ang pinakuluang kamatis
sa barako'y nangingitim ang tubig kahit saglit
tandang sa diyalektika'y may iba't ibang bihis
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Lagot sila kay Agot
LAGOT SILA KAY AGOT artistang si Agot Isidro, may tanong sa atin di palaisipan ngunit ating pakaisipin: "Kung kayo si Sierra Madre, sin...
-
SA ANIBERSARYO NG KASAL AT NG KATIPUNAN Hulyo Pito, anim na taon nang nakararaan nang ikatlong kasal nami'y ganapin sa simbahan doon sa ...
-
THE ARTISTRY AND ACTIVISM IN ME when painter Marcel Duchamp died that was the day I was born when massacre of students in Tlatelolco, Me...
-
ang kahirapan ay di kawalan ng pagkatao lider-maralita'y marangal at Katipunero mabubusog ka nga sa karanasan nila't kwento n...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento