huwag basta bira ng bira o kabig ng kabig
anak mo'y humingi ng tubig na iyong narinig
nagmadali ka't kumuha ng isang basong tubig
nasa C.R. siya't panghugas ng puwit ang ibig
aba'y napahiya ka tuloy sa iyong sarili
di ka kasi nagsuri, pagsisisi'y nasa huli
maraming namamatay sa akala, yaong sabi
aba'y muntik ka na kaya magsuri kang maigi
kongkretong pagsusuri sa kongkretong kalagayan
ito'y tandaan mo para sa tamang kalutasan
ano ang sitwasyon, bakit napunta sila riyan?
sa palagay mo'y ano kaya ang kahihinatnan?
o kaya, paminsan-minsan ay maglaro ka ng chess
matututo kang magsuri't ang hari'y mapaalis
matuto kang mag-analisa kung may paglilitis
upang sa pagharap sa problema'y di ka magtiis
- gregbituinjr.
06.04.2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Nika Juris Nicolas, wagi sa Prague chessfest
NIKA JURIS NICOLAS, WAGI SA PRAGUE CHESSFEST edad dose anyos lamang si Nika Juris subalit muling nag-uwi ng karangalan para sa bansa nang ma...
-
PAGPUPUGAY SA PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KATUTUBO (International Day of the World's Indigenous Peoples) katutubo'y kilanl...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
NAKAPIKIT "Paano ka ba matulog?" tanong sa akin minsan "Nakapikit." ang payak kong tugon sa katanungan wala lang, iyo...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento