noong bata ako'y nilagnat, aking naalala
pinakain ng lugaw ng ina kong nag-alala
subalit pag nilagnat ka ngayong may kwarantina
di lang nanay, buong barangay ang mag-aalala
isa lamang iyan sa nakita kong kaibahan
sa sitwasyon noon at sa ngayong kapanahunan
iba ang dati't ang bagong normal na kalagayan,
na dapat nating pakasuriin at paghandaan
noon, pag naka-facemask ka'y huhulihin ng parak
tingin sa iyo'y holdaper kang sa masa'y pahamak
ngayon, huhulihin ng parak ang di naka-facemask
tingin ay pasaway kang sa masa'y magpapahamak
noon, krisis-pangkalusugan, solusyong medikal
ngayong krisis pangkalusugan, solusyon: militar
noon, upang di magkasakit, checkup sa ospital
ngayon, upang iwas-sakit, checkpoint o maospital
noon, facemask ay nagmahal nang pumutok ang bulkan,
ang mga walang facemask, binigyan ng lingkodbayan
ngayon, facemask ay nagkaubusan, walang mabilhan,
ang walang facemask, magmulta o doon sa kulungan
noon, pag may sakit, gobyerno'y tutulong sa kapos
ginagawan ito ng paraan, pati panustos
ngayon, di ang sakit ang tinutukan nilang lubos
mamamayan ang kinalaban, di coronavirus
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tampipì
TAMPIPÌ sa krosword ko lang muling nakita ang salitang kaytagal nawalâ sa aking isip ngunit kayganda upang maisama sa pagtulâ labimpito paha...
-
PAGPUPUGAY SA PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KATUTUBO (International Day of the World's Indigenous Peoples) katutubo'y kilanl...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
NAKAPIKIT "Paano ka ba matulog?" tanong sa akin minsan "Nakapikit." ang payak kong tugon sa katanungan wala lang, iyo...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento