ako'y nagdisenyo ng tshirt na magandang masdan
ang sulat: "I'm a vegetarian and a budgetarian"
na susuutin ko sa mga piging o handaan
upang ang sarili na rin ay paalalahanan
lalo't pinipigilan ko nang kumain ng laman
o karne ng manok, baboy, kambing, o anupaman
bagamat paminsan-minsan ay di rin mapigilan
ang kumain ng paboritong pork chop sa restawran
maging vegetarian, pulos gulay ang kakainin
bagamat para sa protina'y mag-iisda pa rin
upang lumusog ang pamilya'y ginawang tungkulin
kalusugan ng bawat isa'y laging iisipin
maging budgetarian, di lang dahil sa kwarantina
magtipid-tipid na rin lalo't mahirap kumita
sa ngayon tanging sa sariling diskarte aasa
ang tatak sa tshirt na ito'y laging paalala
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Barya lang po sa umaga
BARYA LANG PO SA UMAGA nakasulat: / barya lang po / sa umaga habang aking / tinatanaw / ang pag-asa na darating / din ang asam / na husti...
-
SA LILIM NG PUNO kaysarap magsulat sa lilim ng puno ng duhat lalo't dinibdib ang kwento't paksang nadadalumat tilad-tilarin ang usap...
-
NAKAPIKIT "Paano ka ba matulog?" tanong sa akin minsan "Nakapikit." ang payak kong tugon sa katanungan wala lang, iyo...
-
TARANG MAGTSAA tarang magtsaa ng malunggay habang naritong nagninilay pampalusog at pampatibay nitong katawan at ng hanay minsan kailangan ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento