paumanhin sa pasiyang mapalayo sa sentro
ng kalunsuran dahil sa balitang lockdown ito
akala'y isang buwan lang, iyon ang intindi ko
subalit lumawig nang lumawig itong kalbaryo
di ko nais lumayo sa gitna ng tunggalian
napasama lang sa desisyong di ko namalayan
wala namang kita upang sabihing magpaiwan
ngayon ay tuliro sa malayong kinalalagyan
di na nakasama sa mga pagkilos, paggiit
ng karapatang hanggang pesbuk na lang nasasambit
para bagang ako'y hipong tulog o abang pipit
walang magawa kundi isulat na lang ang ngitngit
di na nakatulong sa pakikibaka ng dukha
para sa panlipunang hustisyang asam ng madla
gayunman, patuloy ako sa misyon ko't pagkatha
na taglay ang prinsipyong niyakap ng puso't diwa
muli, hingi ko sa mga kasama'y paumanhin
tanging masasabi'y patuloy ako sa mithiin
di magmamaliw ang prinsipyo't simulaing angkin
hanggang huli'y tutupdin ang sinumpaang tungkulin
- gregbituinjr.
Lunes, Hulyo 6, 2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Kakanggata, pinakadiwa
KAKANGGATA, PINAKADIWA tanong sa palaisipan: Pinakadiwa dalawampu't siyam pahalang ang salita lumabas na sagot doon ay: kakanggata na ka...
-
PAGPUPUGAY SA PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KATUTUBO (International Day of the World's Indigenous Peoples) katutubo'y kilanl...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
NAKAPIKIT "Paano ka ba matulog?" tanong sa akin minsan "Nakapikit." ang payak kong tugon sa katanungan wala lang, iyo...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento