sa labing-isang sisiw, maligayang isang buwan
buo pa ring kayong labing-isa, mabuti naman
nawa'y manatiling malusog ang inyong katawan
at magsama-sama pa rin kayo, walang iwanan
unang araw ng Hunyo nang sa mundo'y bumulaga
isang buwang nilimliman hanggang kayo'y napisa
kaya kaming narito sa inyo'y mag-aalaga
at magbibigay sa tuwina ng mga patuka
pinalalabas na sa kulungan tuwing umaga
upang salubungin ang bagong araw na kayganda
kasama'y inahin, sa gabi kayo'y uuwi na
pagkat ligtas sa kulungang tahanan magpahinga
muli, sa inyong isang buwan, ako'y bumabati
di man kayo tao, kayo'y nakapagpapangiti
habang kami'y napagninilay ng tuwa't lunggati
upang pabula'y maakda ko kahit ito'y munti
- gregbituinjr.
07.01.2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Basurahan na ang lungsod
BASURAHAN NA ANG LUNGSOD kaya raw baha'y di kayang kontrolin ay dahil daw sa kagagawan natin ginawa nang basurahan ang lungsod sa basura...

-
PAGPUPUGAY SA PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KATUTUBO (International Day of the World's Indigenous Peoples) katutubo'y kilanl...
-
ANG SINING NG DIGMA may aklat akong Art of War ni Sun Tzu pati Book of Five Rings ni Miyamoto Musashi, ang On War in Karl Von Clauswit...
-
SA BANTAYOG doon sa Bantayog ay nagtungo kami ni misis sa sinasabing Independence Day ng bayang amis doon kami nagdeyt, animo'y asukal s...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento