natatandaan kong turo ng butihin kong ama
na noong kabataan ko'y lagi ring nakikita
naglalagay siya ng bawang pag nagprito siya
ng isda o karne, pagkat magandang pampalasa
tanda ko pa rin ang kanyang tinuro hanggang ngayon
sabi pa niya'y maganda sa kalusugan iyon
sa mga ilang sakit nga raw ay bawang ang tugon
huwag maliitin ang bawang, kumain ka niyon
naglalagay na rin ako ng bawang pag nagprito
at ipinagmamalaki kong kay ama natuto
upang maging malusog, bawang na'y nginangata ko
kahit hilaw, pampalakas resistensya din ito
salamat sa mga turo ng ama kong butihin
bawang ang sagot pag may ubo o sira ang ngipin
magsepilyo lamang matapos mo itong ngatain
nang kaharap o kausap mo'y di agad babahing
- gregoriovbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Namili sa palengke
NAMILI SA PALENGKE kaunti lang ang pinamili ko sa kalapit na palengke kahit gaano pa ka-busy ay namalengke ang makatâ payak lang ang inihaha...
-
SA ANIBERSARYO NG KASAL AT NG KATIPUNAN Hulyo Pito, anim na taon nang nakararaan nang ikatlong kasal nami'y ganapin sa simbahan doon sa ...
-
ang kahirapan ay di kawalan ng pagkatao lider-maralita'y marangal at Katipunero mabubusog ka nga sa karanasan nila't kwento n...
-
ANG SINING NG DIGMA may aklat akong Art of War ni Sun Tzu pati Book of Five Rings ni Miyamoto Musashi, ang On War in Karl Von Clauswit...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento