sampares na gwantes, binili kong bente pesos lang
sa sarili'y tanging regalo noong kaarawan
biro nga, kaybabaw daw ng aking kaligayahan
sa mumurahing regalo'y agad nang nasiyahan
bakit, ano ba ang malalim na kaligayahan?
ito lang ang naitugon kong dapat pagnilayan
malaking tulong sa ekobrik ang gwantes na iyan
lalo't ako'y namumulot ng plastik kahit saan
isip ko lagi'y maitutulong sa kalikasan
pagkat basura'y naglipana sa kapaligiran
nasa diwa'y paano tutulong ang mamamayan
kundi ako'y maging halimbawa sa misyong iyan
sa pageekobrik ang gwantes ay dagdag ko naman
pagkat proteksyon sa sarili munting regalo man
lalo sa sakit na makukuha sa basurahan
di ba't mabuting may gwantes kaysa kamayin ko lang?
- gregoriovbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ginisang sardinas na may malunggay
GINISANG SARDINAS NA MAY MALUNGGAY may dalawang sanga ng malunggay at may isang lata ng sardinas tiyak na namang ako'y didighay muling g...
-
SA ANIBERSARYO NG KASAL AT NG KATIPUNAN Hulyo Pito, anim na taon nang nakararaan nang ikatlong kasal nami'y ganapin sa simbahan doon sa ...
-
ang kahirapan ay di kawalan ng pagkatao lider-maralita'y marangal at Katipunero mabubusog ka nga sa karanasan nila't kwento n...
-
ANG SINING NG DIGMA may aklat akong Art of War ni Sun Tzu pati Book of Five Rings ni Miyamoto Musashi, ang On War in Karl Von Clauswit...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento