Linggo, Disyembre 27, 2020

Asam na pag-asa

tanawin ang asam na pag-asa
sa pagdatal ng bagong umaga;
at kinabukasan ay makita
sa pagbaka ng obrero't masa
tungo sa panlipunang hustisya

wala sa sinumang manunubos
ang kaligtasan ng mga kapos
kundi sa sama-samang pagkilos
ng mga dukha't uring hikahos
nang sistemang bulok ay matapos

- gregoriovbituinjr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ku Kura Kurakot, Ba Balak, Balakyot

KU KURA KURAKOT, BA BALAK BALAKYOT (UTAL - ULAT - TULĂ‚) ka kala kalaban / nitong ating bayan dinastiya't trapong / ka kawa kawatan lalo ...