Huwebes, Abril 29, 2021

Bagalan lang ang takbo

BAGALAN LANG ANG TAKBO

bagalan lang ang takbo, bagalan
nakapinta mismo sa lansangan
na paalala sa may sasakyan
upang aksidente'y maiwasan

SLOW DOWN: malaking nakapinta
lalo sa matao't may kurbada
na dapat lang sunding paalala
nitong tsuper na namamasada

di pa siksikan sa dyip o sa bus
nag-iingat sa coronavirus
mag-social distancing tayong lubos
nangyayari na'y kalunos-lunos

kayhirap kung sasakya'y mabangga
naaksidente'y kaawa-awa
o kaya'y may mabundol na bata
sa bilis ng takbo'y may nagluksa

magmaneho lamang ng mabagal
lalo na sa paliko't may kanal
baka pasahero na'y mangatal
kung patakbo'y parang patiwakal

- gregoriovbituinjr.

* litratong kuha ng makatang gala habang nakasakay sa isang bus

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pangungulilà

PANGUNGULILÀ nasanay akong mag-isa dahil sa pangungulilà nasanay sa pag-iisa ito ba'y nakatutuwâ? bahagi nga ba ng búhay o ito ba'y ...