Huwebes, Pebrero 3, 2022

Ligaw na halaman

LIGAW NA HALAMAN

tumutubo rin kahit saan
ang mga ligaw na halaman
di lang sa mga kagubatan
kahit sa sementadong daan

nasa kanal pa nga ang isa
sa nadaanan kong kalsada
minasdan ko't kinodakan pa
talagang nakahahalina

siya man ay halamang ligaw
nabuhay siya't di pumanaw
binhi'y lumalago't may araw
alay ay magandang pananaw

sa atin, ibig ipabatid
na talagang di nalilingid
na siya'y nabuhay, kapatid
at sa dilim ay di nabulid

kaya ngayon ay naninilay
sa mundong may mabuting pakay
sementadong lungsod mang tunay
solo man ay kayang mabuhay

- gregoriovbituinjr.
02.03.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

2 DULA, 2 TANGHAL TULA AT 2 PANGKATANG AWIT (ang nadaluhan ko sa ikalawang araw ng Pasinaya 2026)

2 DULA, 2 TANGHAL TULA AT 2 PANGKATANG AWIT  (ang nadaluhan ko sa ikalawang araw ng Pasinaya 2026) Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. ...