Sabado, Marso 19, 2022
Minsan
minsan, ūkailangan ding mamasyal
sa panahong nakatitigagal
maglakad-lakad hanggang magpagal
o mag-jogging kahit hinihingal
minsan, nakatitig sa kisame
nag-iisip ng mga diskarte
upang malabanan ang salbahe
o kaya'y mga trapong buwitre
minsan, matutulog ka ng dilat
at bigla kang maalimpungat
masabing sana'y nakapagmulat
ng kapwa dukhang nakamulagat
minsan, pag dama'y walang magawa
nagninilay ng mahaba-haba
doon sa langit nakatulala
makakakatha na maya-maya
tulad ng paminsan-minsang kaba
na anumang sigwa'y kinakaya
kaharap man ang banta ng bala
nang kamtin ang asam na hustisya
- gregoriovbituinjr.
03.19.2022
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
At muling nangalampag si Uwan sa bahay ni Juan
AT MULING NANGALAMPAG SI UWAN SA BAHAY NI JUAN ngayong lamang, muling nanalasa si Uwan kinalampag ang bubong ng bahay ni Juan maririnig mo a...
-
SA ANIBERSARYO NG KASAL AT NG KATIPUNAN Hulyo Pito, anim na taon nang nakararaan nang ikatlong kasal nami'y ganapin sa simbahan doon sa ...
-
ang kahirapan ay di kawalan ng pagkatao lider-maralita'y marangal at Katipunero mabubusog ka nga sa karanasan nila't kwento n...
-
THE ARTISTRY AND ACTIVISM IN ME when painter Marcel Duchamp died that was the day I was born when massacre of students in Tlatelolco, Me...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento