Lunes, Marso 14, 2022

Tawilis at kamatis

TAWILIS AT KAMATIS

kaysarap na almusal
kahit walang pandesal
ang ulam ko'y tawilis
at gulay na kamatis

nakapagpapalusog
ang kamatis na hinog
sarap sa pakiramdam
ng tawilis kong ulam

paminsan lang ganito
may tawilis na prito
mula lawa ng Taal
ang isdang inalmusal

kaygandang kombinasyon
ng inulam kong iyon
sana'y mayroon pa rin
bukas kapag nagising

- gregoriovbituinjr.
03.14.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang napanalunan kong limang kilong bigas

  ANG NAPANALUNAN KONG LIMANG KILONG BIGAS bago mag-Pasko ay may piging akong dinaluhan sa samahan, may talumpati, kantahan, sayawan sa pala...