Lunes, Mayo 23, 2022

Kalikasan

KALIKASAN

ating kalikasan
at kapaligiran
ating alagaan
huwag pabayaan

upang salinlahi
at iba pang lipi
dukha't ibang uri
ay di mangahikbi

pagkat nawala na
kalikasang sinta
tila itinumba
ng kapitalista

at tusong hunyango
para lang sa tubo
paano mahango
ang mundong siphayo

kinalbo ang bundok
gubat ay inuk-ok
sa kita tumutok
sa bulsa sinuksok

gawin ang marapat
upang yaong bundat
sa tubo'y mapuknat
at maisiwalat

- gregoriovbituinjr.
05.23.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

May suloy na ang itinanim

MAY SULOY NA ANG TINANIM ‎ ‎hindi ako magsasaka ‎lalo't tagalungsod ako ‎kaya inaaral ko pa ‎ang mga itinanim ko ‎ ‎kagaya nitong sibuya...