AGAB
agab pala'y ibang katawagan sa mga swapang,
tuso't mapagsamantalang nais lang magpayaman
na ginagamit ay ilegal na pamamaraan
anong tawag pag legal namang nagsasamantala?
nandyang ayaw iregular ang manggagawa nila!
pagsasamantala'y naging legal na sa pabrika?
mula sa pawis ng iba'y nagpayaman ang agab
kakainin na ng dukha'y kanilang sinusunggab
tila di na mabusog, patuloy lang sa pagngasab
sila kaya'y biktima rin nitong sistemang bulok?
kaya nagsasamantala ang mga trapo't hayok?
nagpapayaman nang sila'y di na maging dayukdok?
sa ganyang mga tao'y anong dapat nating gawin?
mga kontrabida silang dapat nating kalusin!
walang puso't banta pa sa buhay at bukas natin!
- gregoriovbituinjr.
03.06.2023
* agab (salitang Ilokano): pagpapayaman sa pamamagitan ng ilegal na pamamaraan, mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, pahina 16
Lunes, Marso 6, 2023
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Remark Bartolome, kampyon sa Bangkok chess
REMARK BARTOLOME, KAMPYON SA BANGKOK CHESS nagkampyon ang kababayang si Remark Bartolome sa Rooky Monthly Standard FIDE Rated chess tourname...
-
PAGPUPUGAY SA PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KATUTUBO (International Day of the World's Indigenous Peoples) katutubo'y kilanl...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
NAKAPIKIT "Paano ka ba matulog?" tanong sa akin minsan "Nakapikit." ang payak kong tugon sa katanungan wala lang, iyo...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento