ANG MGA AWITIN NG SINING DILAAB
ang mga awitin / ng Sining Dilaab
ay talagang dama / at talab na talab
sa puso't diwa ko'y / sadyang nagpaalab
awiting para bang / dyamante't dagitab
magpatuloy tayo / sa pakikibaka
para sa human rights, / para sa hustisya
maraming salamat / sa alay n'yong kanta
para sa obrero, / sa dukha, sa masa
taas-kamao pong / ako'y nagpupugay
sa Sining Dilaab / sa kantang kayhusay
tapik sa balikat / sa di mapalagay
tanging masasabi'y / mabuhay! Mabuhay!
- gregoriovbituinjr.
05.28.2023
* ang Sining Dilaab ay grupo ng mang-aawit na nakabase sa Cebu
* ang dilaab ay Cebuano sa liyab, lagablab
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa taho
SA TAHO mayroong istiker sa lalagyan ng taho: sabi: "Lahat ng kurakot dapat managot!" siyang tunay, korapsyon sana nga'y magl...

-
SA ANIBERSARYO NG KASAL AT NG KATIPUNAN Hulyo Pito, anim na taon nang nakararaan nang ikatlong kasal nami'y ganapin sa simbahan doon sa ...
-
ang kahirapan ay di kawalan ng pagkatao lider-maralita'y marangal at Katipunero mabubusog ka nga sa karanasan nila't kwento n...
-
ANG SINING NG DIGMA may aklat akong Art of War ni Sun Tzu pati Book of Five Rings ni Miyamoto Musashi, ang On War in Karl Von Clauswit...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento