Huwebes, Agosto 24, 2023

Kalabasa't noodles

KALABASA'T NOODLES

pampatalas daw kasi ng mata
iyang kalabasa, sabi nila
naisip ipaghalong talaga
yaong noodles at ang kalabasa

sa kalabasa'y gumayat ako
ng mumunti lamang, kapiraso
nilagay ko muna sa kaldero
at pinakuluan ngang totoo

saka nilagay ang isang plastik
ng noodles, tila ba ako'y sabik
tinikman ko't kaysarap ng lintik!
parang sa sarap mata'y titirik

masyado namang paglalarawan
ay, tugon kasi sa kagutuman
talaga akong pinagpawisan
at nalamnan ang kalam ng tiyan

- gregoriovbituinjr.
08.24.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kayâ tayo may tuldik

KAYÂ TAYO MAY TULDIK siya ay galít siya'y may gálit baság na ang bote may bâsag ang bote siya ay titíg na titíg kaytindi ng kanyang títi...