Sabado, Mayo 25, 2024

Ano ang gusto mong kape?

ANO ANG GUSTO MONG KAPE?

ano ang gusto mong kape?
nang tuminik sa diskarte
sikmura'y minamasahe?
o pampaayos ng siste?

nais mo ba'y Cafe Puro?
Ricoa ba'y paborito?
Nescafe, Great Taste ba ito?
ako? ay, kapeng barako

magkakape sa umaga
bago puntang opisina
o sa rali sa kalsada
kape'y popular talaga

ginigising ang isipan
pati ang buong kalamnan
maaaring mabawasan
yaong taba sa katawan

anong kapeng iyong nais?
yaong pampawi ng inis?
huwag lang sobra sa tamis
upang iwas-diabetes

magkape pag nakatunghay
sa laban ni Manny Pacquiao
o kaya'y pag nagninilay
sa malayo nakatanaw

- gregoriovbituinjr.
05.25.2024

* litrato mula sa google

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

P50 dagdag sahod sa Hulyo 18

P50 DAGDAG SAHOD SA HULYO 18 imbes na dalawang daang piso dagdag sahod ay limampung piso pabor ba ito sa mga grupo ng manggagawa o ng obrero...