EDAD 6, KAMPYON NA SA JIU JITSU
edad anim na taon ay nagkampyon nang totoo
si Jeon Bradley Dela Cruz sa larang ng jiu jitsu
gintong medalya'y nasungkit niya noong Pebrero
sa Kindergarten Rooster division, kaygaling nito
sa lungsod ng Las Piñas ay nagbigay karangalan
ginto muli sa internasyunal na paligsahan
doon naman sa Marianas Pro Manila Brazilian
Jiu Jitsu Championship na kanya pa ring sinabakan
ang Brazilian Jiu Jitsu ay martial arts, pandepensa,
pagsakal at pakikipagbalitian talaga,
pakikipagbuno kahit sa malaki sa kanya
sa combat isport na ito siya nagkamedalya
sa batang gulang sa jiu jitsu na siya sinanay
kaya sa depensa, loob niya'y napapalagay
kahanga-hanga ang kanyang ipinakitang husay
sa kanyang tagumpay ay taospusong pagpupugay
- gregoriovbituinjr.
05.22.2024
* ulat mula sa pahayagang Abante, ika-22 ng Mayo, 2024. pahina 8
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tampipì
TAMPIPÌ sa krosword ko lang muling nakita ang salitang kaytagal nawalâ sa aking isip ngunit kayganda upang maisama sa pagtulâ labimpito paha...
-
PAGPUPUGAY SA PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KATUTUBO (International Day of the World's Indigenous Peoples) katutubo'y kilanl...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
NAKAPIKIT "Paano ka ba matulog?" tanong sa akin minsan "Nakapikit." ang payak kong tugon sa katanungan wala lang, iyo...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento