SIKAT NA ANG PANDESAL
madalas kong bilhin tuwing umaga
ay diyaryo at pandesal tuwina
kinaugalian ko na talaga
na pagkagising, iyan ang kasama
kanina, pagbuklat ko ng balita
pandesal pala'y sikat sa banyaga
kaya ngayon naglalaro ang diwa
bilang papuri, tula ay kinatha
O, pandesal, lagi naming agahan
nasa Top 40 World's Best Bread Roll naman
sikat na ang paboritong agahan
tumanyag na ang pandesal ng bayan
pagpupugay sa sikat na tinapay
lasang Pinoy, malinamnam na tunay
pag may pandesal, loob ko'y palagay
madalas kasama sa pagninilay
- gregoriovbituinjr.
06.11.2024
* ulat mula sa pahayagang Abante, Hunyo 11, 2024, p.8
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ang mapalot mong ihi - tanaga baybayin
ANG MAPALOT MONG IHÌ ang mapalot mong ihì pakibuhusan, dalî huwag ipamalagì ang amoy na mapanghî - gbj/03.18.2026 tanaga baybayin
-
THE ARTISTRY AND ACTIVISM IN ME when painter Marcel Duchamp died that was the day I was born when massacre of students in Tlatelolco, Me...
-
I WAS BORN A RED OCTOBER I was born on the second of October like Mahatma Gandhi, actor Benjie Paras classmate Angelo Arvisu, singer Sting c...
-
SA ANIBERSARYO NG KASAL AT NG KATIPUNAN Hulyo Pito, anim na taon nang nakararaan nang ikatlong kasal nami'y ganapin sa simbahan doon sa ...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento