PAG-IDLIP
ngayong hapon ay naalimpungatan ako
nakita si alaga, tulog din tulad ko
animo'y nananaginip, aba'y tingnan mo
gumagalaw ang paa, parang tumatakbo
pag tulog ba ako'y pagmamasdan din niya?
ano kayang ginagawa't aking itsura?
pansin ba niyang nagmuta ang aking mata?
o mas uunahin niya'y dagang puntirya?
paumanhin kung siya ang paksa na naman
siya lang naman ay tapat na kaibigan
sa pag-uwi ko'y nagbibigay kasiyahan
kung may bigat ng loob ay biglang gagaan
sige, alaga, balik tayo sa pagtulog
abutin natin ang pangarap na kaytayog
- gregoriovbituinjr.
07.28.2024
* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://web.facebook.com/reel/882316533741238
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento