PAGPUPUGAY SA TATLONG ESTUDYANTE
nakakatuwang ulat na dapat ipagmalaki
sa pamagat pa lang, pupukaw na itong kaytindi
pagkat sa nasaliksik nilang "Asteriod", ang sabi
"pinangalan sa tatlong Pilipinong estudyante"
si Nadine Antonnette Obafial, na estudyante
ng kursong robotics engineering
doon sa Ateneo de Davao University
ang cosmic recognition ay kanilang natanggap
sa paggunita sa International Asteroid Day
nitong ikatatlumpu ng Hunyo, ang natuklasan
niya noong Hulyo 30, taong 2020
na Asteroid 2000 OZ31 ay kikilalaning
Asteroid 34044 Obafial
ang Asteroid 34047 ay magiging Asteroid
34047 Gloria bilang parangal kay
Rubeliene Chezka Fernandez Gloria
ang Asteroid 34049 naman ay magiging
Asteroid Myrelleangela
bilang parangal kay Myrelle Angela Colas
inukit na nila ang pangalan sa kasaysayan
lalo't sa atronomiya nilang pinag-aralan
at sa kanilang tatlo'y taospusong pagpupugay
pagkat estudyante pa sila'y kinilalang tunay
- gregoriovbituinjr.
07.15.2024
* tula batay sa ulat sa pahayagang Abante, Hulyo 15, 2024, pahina 8
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tampipì
TAMPIPÌ sa krosword ko lang muling nakita ang salitang kaytagal nawalâ sa aking isip ngunit kayganda upang maisama sa pagtulâ labimpito paha...
-
PAGPUPUGAY SA PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KATUTUBO (International Day of the World's Indigenous Peoples) katutubo'y kilanl...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
NAKAPIKIT "Paano ka ba matulog?" tanong sa akin minsan "Nakapikit." ang payak kong tugon sa katanungan wala lang, iyo...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento