PALAISIPAN AT PAYO
lahat ng problema'y may kasagutan
kumbaga sa tanong, sinasagutan
tulad din ng mga palaisipan
salita'y hanapin ang kahulugan
nagpapayo sa mga problemado
bata, matanda, karaniwang tao
bigyang tugon ang mga tanong nito
na pinag-iisipan ding totoo
sa payo't palaisipan, salamat
pagkat kayrami nang nadadalumat
samutsaring damdamin, dusa, sumbat
ligalig, lungkot, paghihirap, gulat
tara, krosword ay atin ding laruin
pagkat ito'y malaking tulong na rin
baka payo nila'y payo sa atin
talastasan itong dapat alamin
- gregoriovbituinjr.
11.17.2024
* litrato mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Nobyembre 17, 2024, p.10
Linggo, Nobyembre 17, 2024
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Bawal pumasok sa Marunong St.
BAWAL PUMASOK SA MARUNONG ST. bawal pumasok sa Daang Marunong sakaling baha, sana'y makalusong sakaling bagyo, sana'y makasulong sa ...
-
THE ARTISTRY AND ACTIVISM IN ME when painter Marcel Duchamp died that was the day I was born when massacre of students in Tlatelolco, Me...
-
I WAS BORN A RED OCTOBER I was born on the second of October like Mahatma Gandhi, actor Benjie Paras classmate Angelo Arvisu, singer Sting c...
-
ang kahirapan ay di kawalan ng pagkatao lider-maralita'y marangal at Katipunero mabubusog ka nga sa karanasan nila't kwento n...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento