Linggo, Enero 26, 2025

Luha ng pusa

LUHA NG PUSA

bakit kaya may luha
ang aming si alaga
sadyang nakagigitla
lumuluha ang pusa

marahil napaaway
dignidad ay naluray
nang magapi ngang tunay
ng malakas, matibay

baka nabasted siya
ng pusang dumalaga
baka namatayan ba
ng anak niyang sinta

nakikiramay ako
sa pusang alaga ko
anumang sanhi nito
nakikiramay ako

kung magkakausap lang
si alaga't ako man
baka aking malaman
kanyang nararamdaman

- gregoriovbituinjr.
01.26.2025

* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://fb.watch/xlUXc6rYy4/

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa ikaapatnapung araw ng paglisan

SA IKAAPATNAPUNG ARAW NG PAGLISAN tigib pa rin ng luha ang pisngi talagang di pa rin mapakali manhid ang laman, walang masabi nang mawala na...