Biyernes, Enero 31, 2025

Mga kasabihan sa buhay

MGA KASABIHAN SA BUHAY

bawat suliranin / ay may kalutasan
at bawat pagsubok / ay may kasagutan
basta matuto lang / tayong makilaban
sa sinumang puno / ng katiwalian

ating kaakibat / ang pakikibaka
nang mabago iyang / bulok na sistema
sa ating pagbaka'y / dapat wakasan na
iyang pang-aapi'y / pagsasamantala

may karapatan din / kahit maralita
dukha man, di dapat / na kinakawawa
kung maluklok natin / iyang manggagawa
may pagbabago na't / uunlad ang bansa

mandarayang trapo'y / indak lang ng indak
bundat na burgesya'y / panay ang halakhak
habang karaniwang / tao'y hinahamak
ng trapo't kuhilang / dapat lang ibagsak

- gregoriovbituinjr.
01.31.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga kasabihan sa buhay

MGA KASABIHAN SA BUHAY bawat suliranin / ay may kalutasan at bawat pagsubok / ay may kasagutan basta matuto lang / tayong makilaban sa sinum...