Sabado, Enero 11, 2025

Pagbabasa sa gabi

PAGBABASA SA GABI

madalas sa gabi ako nagbabasa
pag buong paligid ay natutulog na
napakatahimik
maliban sa hilik
aklat yaong tangan habang nag-iisa

sa ibang lupalop ako naglalakbay
sa ibang daigdig ako nabubuhay
habang naririnig
ang mga kuliglig
sa ibang lupain ako'y nagninilay

bukas pagkagising, babalik sa mundo
at pakikibaka'y punong-puno rito
mahal ang bilihin
nagmumura ka rin
namamayagpag pa'y gahaman at trapo

nagbabasa ako hanggang hatinggabi
at inuunawa ang tagong mensahe
may planong kumatha
ng kwento't pabula
pag biglang inantok, tutulog na dine

- gregoriovbituinjr.
01.11.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

May mga umagang ganito

MAY MGA UMAGANG GANITO I tumunog ang alarm clock sa selpon alas-sais na, ako'y bumangon naligo, naghilod, walang sabon sa labas ng bahay...