Huwebes, Enero 2, 2025

Pagpapatuloy

PAGPAPATULOY

magbasa ng aklat
na aking nabili
ng nakaraan lang
ang nakahiligan

pagbabasa'y bisyo
ng makatang taring
dito ko natanto
dapat nang gumising

matutong lumaban
tulad ng bayani
nitong kasaysayan
ng bayang naapi

kaya nakibaka
ang makatang tibak
doon sa kalsada
kaharap ma'y parak

ngayong Bagong Taon
tuloy sa mithiin
gagampan sa layon
sistema'y baguhin

- gregoriovbituinjr.
01.02.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kaypanglaw ng gubat sa lungsod

KAYPANGLAW NG GUBAT SA LUNGSOD anong panglaw nitong gubat sa kalunsuran araw-araw na lang iyan ang magigisnan dahil ba kayraming kurakot sa ...