PAGPILI NG WASTONG SALITA
pagpili ng wastong salita
ay dapat gawin nating kusa
hindi iyang pagtutungayaw
na pag tumarak ay balaraw
wastong salita ang piliin
kapwa mo'y huwag lalaitin
porke mayaman ka't may datung
ay magaling ka na't marunong
huwag kang mapagsamantala
na ang kapwa mo'y minumura
magsalita ng mahinahon
mga problema'y may solusyon
ang maling salita'y masakit
lalo't ikaw ang nilalait
ang wastong salita'y respeto
at salamin ng pagkatao
- gregoriovbituinjr.
01.16.2025
* litrato mula sa Daang Onyx, malapit sa Dagonoy Market sa Maynila
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Nasisilaw sa ilaw
NASISILAW SA ILAW nagtakip si alaga ng kamay habang natutulog ng mahimbing marahil nasisilaw sa ilaw kaya kamay ay ipinantabing mamaya, ako...

-
PAGPUPUGAY SA PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KATUTUBO (International Day of the World's Indigenous Peoples) katutubo'y kilanl...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
MAPULANG HASANG namumula ang hasang, kapara'y sariwang isda na sa anupamang sagupaan ay laging handa tila bakal ang kaliskis nilang naka...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento