Biyernes, Enero 10, 2025

Payo sa isang dilag

PAYO SA ISANG DILAG

aanhin mo ang guwapo
kung ugali ay demonyo
at kung di mo siya gusto
dahil siya'y lasenggero

ay bakit di mo tapatin
ayaw sa kanya'y sabihin
huwag mo siyang tiisin
kahit ikaw pa'y lambingin

pagsagot ba'y sapilitan?
panliligaw ba'y takutan?
aba'y marami pa riyan
na sagad sa kabaitan

matamis man yaong dila
na kanya ka raw diwata
tangi niyang minumutya
ay baka ka lang lumuha

suriin ang manliligaw
huwag ka riyang magaslaw
kinabukasan mo'y pakay
kaya aralin mong tunay

- gregoriovbituinjr.
01.10.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Isang aral ng Edsa ang sama-samang pagkilos

ISANG ARAL NG EDSA ANG SAMA-SAMANG PAGKILOS buhay ang sama-samang pagkilos ng sambayanan buhay ang Edsa sa atin, sa diwa't kalooban aral...